Natanggap na ng mahigit 500 benepisaryo sa Fuga island sa bayan ng Aparri ang kanilang tig-P2,400 na Unconditional Cash Transfer (UCT) para sa taong 2018 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2.

Ayon kay Jeslymar Layugan, UCT information officer ng DSWD-RO2 na natapos na ang pay-out ng UCT sa kabuuang 555 na benepisaryo sa naturang isla.

Ito ay kinabibilangan ng 94 benepisaryo na nabigayn ng UCT grant sa ilalim ng Social Pension Program, 128 benepisaryo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program at 333 benepisaryo sa ilalim ng Listahanan.

Sinabi ni Layugan na bawat benepisyaryo ay tumanggap ng one-time cash subsidies na dalawang daang piso kada buwan o kabuuang P2,400 para sa taong 2018.

Kasabay ng pamamahagi ng UCT cash assistance ay ang pamamahgi ng cash card sa bawat benepisaryo kung saan dito na idedeposito ang kanilang ayuda para sa taong 2019 at 2020 na naging P300 kada buwan o katumbas ng P3,600 kada taon.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, isusunod namang puntahan ng ahensya ang isla ng Calayan para sa pamamahagi ng UCT grant.