
Nagbitiw na sa puwesto sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman kasunod ng pagkakadawit ng kanilang mga departamento sa imbestigasyon ng umano’y anomalya sa mga flood control project.
Kinumpirma ng Malacañang na tinanggap ng Pangulo ang kanilang pagbibitiw bilang pagpapakita umano ng propesyonalismo at pagbigay-daan sa masusing pagsusuri ng kaso.
Kasabay nito, itinalaga si Finance Secretary Ralph Recto bilang bagong Executive Secretary, habang uupo naman si Presidential Assistant for Investment and Economic Affairs Frederick Go bilang kapalit niya sa Department of Finance.
Si Recto ang magiging ikatlong Executive Secretary sa ilalim ng administrasyon.










