BFAR

TUGUEGARAO CITY-Kumpiyansa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 02 na sapat ang supply ng isda sa rehiyon sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Inihayag ito ni Regional Director Milagros Morales ng BFAR-Region 02, kasabay ng ika-57 taong pagdiriwang ng Fish Conservation Week 2020 na may temang “Karagatan ay pangalagaan upang ani at kita ay makamtan maging sa pandemyang hamon ng bayan”.

Ayon kay Morales ng BFar-Region 2, patuloy ang pagpapalaot ng mga mangingisda at tuloy-tuloy din ang operasyon ng mga fish cage at fish pond owners.

Sinabi ni Morales na nagpatayo sila ng KADIWA para matulungan ang mga mangingisda na maidala sa iba’t-ibang lugar ang kanilang mga huli.

Tiniyak naman ni Morales na kanilang ipagpapatuloy ang mataas na produksyon nitong unang quarter ng taon sa pamamagitan ng fisher folk at Local Government Unit (LGUs).

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, patuloy ang kampanya ng BFAR laban sa mga illegal na nangingisda para masiguro ang sapat na isda sa rehiyon.