Binabantayan ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 ang kumakalat na sakit ng tilapia o tinatawag na Tilapia Lake Virus.
Ayon kay Dr.Jefferson Soriano Veterinarian ng BFAR Region 2, ang Tilapia Lake Virus ay isang uri ng sakit ng tilapia na karaniwang nakikita sa fingerlings juvenile stage.
Ang mga ito aniya ay galing sa mga unang in-stock sa fishpond.
Umaabot sila ng nasa 90% mortality rate o namamatay kapag ang mga stock na ito ay natamaan.
Karaniwang mapapansin ang sakit na ito sa mga isdang bigla na lamang namamatay na di alam kung anong dahilan, hindi kumakain, may mga skin lesions at lumalabas ang kanilang mga mata.
Sa ngayon ay pinapaigting pa ang monitoring ng nasabing sakit lalo na sa mga nagshiship ng fingerlings papuntang ibang rehiyon.
Bukod dito ay dumadaan rin sa screening ang mga fingerlings na itinatransport upang di na mas lalo pang kumalat ito sakaling magpositibo.