Local oct 11 gen bigtime
TUGUEGARAO CITY- Plano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 na magsagawa ng assessment kung may epekto ang ipinatutupad na close fishing season sa ludong sa rehion.
Sinabi ni Milagros Morales, director ng BFAR Region 2 na simula nang ipatupad ang Administrative Order 247 noong 2013 na nagbabawal sa paghuli ng ludong mula Octyober 1 hanggang November 15 bawat taon ay hindi pa sila nakapagsagawa ng assessment kung naging epektibo ito para maparami ang nasabing uri ng isda.
Ayon kay Morales, sa nabanggit na panahon kasi bumababa sa dagat ang mga ludong para mangitlog.
Ang ludong na tinatawag ding President’s fish ay nagkakahalaga ng mula P5k hanggang P7k.
Hindi lang ito matatagpuan sa Cagayan River kundi maging sa Cordillera at Ilocos Region.