pct: BFAR Ro2

Tuguegarao City- Nagpaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 sa mga kabataan na nais humabol sa kanilang scholarship application.

Ito ay bunsod ng papalapit na deadline ng submition ng aplikasyon sa darating na Oktubre 15.

Maalalang nag-umpisang tumanggap ang nasabing ahensya ng applications nitong nakalipas na buwan ng Hulyo ngayong taon.

Sinabi ni Ronaldo Libunao, Focal Person for Scholarship Program ng ahensya, bukas ang kanilang programa para sa mga mag-aaral na nakapagtapos sa senior high school na nais mag-aral ng fishery courses sa kolehiyo.

Kabilang aniya sa maaaring makakuha ng sholarship ang mga miyembro ng Indigenous People, mga anak o kamag-anak ng mga mangingisda, fish traders at maging ng mga honor students.

-- ADVERTISEMENT --

26 na slots ngayong taon ang bunuksan ng BFAR Region 2 kung saan tig-3 ang slots para sa mga industry leaders at honor students kasama na ang mga IP Members habang 23 ang para sa kamag-anak ng mga mangingisda.

Mabibigyan naman ng P4,000 na monthy allowance, P2, 000 book allowanc, P3,000 OJT allowance, P7,000 Thesis allowance at P1,500 na graduation allowance ang mga kwalipikadong scholars.

Gayonman ay kailangan din na mapanatili ng mga matatanggap na benepisyaryo ang gradong 2.5 para sa tuloy-tuloy na suporta sa kanila.