TUGUEGARAO CITY-Balik na sa normal na operasyon ng tanggapan ng Bureau of Fire Protection o BFP Claveria matapos itong isailalim sa lockdown nang magpositibo sa COVID-19 ang isang kawani.

Ayon kay SFO1 Melodie Agmir, nitong Lunes nang muling buksan ang kanilang tanggapan para sa face-to-face transactions sa mga kukuha ng permit, clearance at iba pa.

Gayunman, ipatutupad ang implementasyon ng minimum public health standards para sa tamang pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Matatandaan na isinailalim sa lockdown ang naturang tanggapan simula noong ika-13 ng Hulyo kung saan isang kawani ang nagpositibo habang nag-negatibo naman sa RT-PCR test ang tatlong close contact at ang mga secondary contact nito.

Habang nananatili namang naka-home quarantine ang limang iba pang kawani nito sa loob ng 14-days.

-- ADVERTISEMENT --