Iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection kung sinadya o aksidente ang pagkasunog ng isang bangkang pangisda sa bayan ng Buguey, Cagayan.
Ayon kay SFO1 Reginald Remodaro ng BFP-Buguey, nasa humigit-kumulang sa P150-K ang halaga ng carbon fiber na bangka at mga fishing nets ang natupok sa sunog na nagsimula dakong alas 10:00 ng gabi noong August 28, ngayong taon.
Ang naturang bangka ay pagmamay-ari ng 64-anyos na mangingisda na ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Isa namang operator ang nakakita sa nasusunog na bangka na nasa pampang at nagtulong-tulong ang mga ito sa pag-apula nito habang hindi naman nadamay sa sunog ang makina nito.
Wala namang iniulat na nasaktan sa sunog.
-- ADVERTISEMENT --