Patuloy ang ginagawang pamamahagi ng Bureau of Jail Management and Penology Region II ng mga relief goods bilang tulong sa mga biktima ng nagdaang bagyong Ramon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni JSI Shiryl Mae Saquing ng BJMP RO2 na nasa 100 pamilya ang nabigyan ng relief packs sa Barangay Diora-Zinugan sa bayan ng Sta. Ana.
Ito ay maliban pa sa ibinigay na relief goods sa mga apektado ng pagbaha sa bayan ng Abulug noong bagyong Quiel.
Samantala, sinabi ni Saquing na nakatakda din silang mamahagi pa ng relief goods sa susnod na Linggo sa Pamplona, Abulug at Ballesteros.
Aniya, ang ipinamamahaging relief packs ay mula sa mga nalikom na tulong sa mga regional offices ng BJMP sa buong bansa.
-- ADVERTISEMENT --