Tiniyak ng Bureau of Fire Protection Region 2 na lahat ng establisimiyento at tindahan ng paputok ay sumusunod sa mga fire safety codes, lalong-lalo na ngayong papalapit ang holiday season.

Ayon kay FSSupt. Victoria A. Domingo, Regional Director ng BFP Region 2, sa kanilang regular inspection and monitoring activities, ang lahat ng tindahan ay mayroong fire extinguisher, fire exits, at ligtas na imbakan ng mga paputok.

Katuwang ng ahensiya ang Department of trade and Industry at Local Government Units sa pagsasagawa ng inspeksiyon.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Domingo ang kahalagahan ng 20% retention share mula sa koleksiyon ng fire code fees.

Aniya, ang mga ito ay direktang napupunta sa LGU upang makabili ng karagdagang kagamitan katulad ng fire trucks, safety gear, training support, at iba pang kagamitan para sa local firefighters na hindi maibibigay ng national BFP.

-- ADVERTISEMENT --