Nasungkit ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 02 ang Best Regional Office sa buong bansa sa katatapos na selebrasyon ng 31st Anniversary ng BFP, kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni FSI Franklin Tabingo ng BFP-RO2 na personal na tinanggap ni Regional Director FCSupt Rizalde Castro ang parangal mula kay Interior Sec. Benjamin Abalos Jr. para sa tatlong araw na selebrasyon na ginanap sa Davao City.

Ang selebrasyon ay may temang “Bumberong Makabayan, Modernong Serbisyo Alay sa Mamamayan” na ginanap sa Davao City mula Agosto 13 hanggang Agosto 15.

Ayon kay Tabingo, mahigpit na nakatunggali ng BFP-RO2 ang NCR at Region 7 sa screening kung saan nakuha ng rehiyon ang pinakamataas na rating.

Kabilang sa kategorya na napanalunan ng pamatay sunog sa rehiyon ang Administrative skills, Implementation of Fire protection programs, Supervision and Implementation of Logistical programs, Financial Management, at Overall appearances of Offices/Station.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod pa ito sa mga best practices sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad gaya ng pagpapadala ng mahigit 200 BFP Personnel sa Abra na malubhang tinamaan ng magnitude 7 na lindol kamakailan na kabilang sa inisyatiba ng panrehiyong director sa pagsisikap nito na mapabuti ang serbisyo ng pamatay sunog sa publiko.

Nakita rin ang ilang mga proyekto ng BFP-RO2 na wala sa ibang rehiyon at ang pagkakaroon ng sariling Marching Band.

Aniya, lahat nang ito ay pumasa sa PRAISE o ang BFP-Programs on Awards and Incentives for Service Excellence ng National Headquarters.

Samantala, pang-apat na pwesto ang rehiyon sa Skills Olympics na dinaluhan ng 17 rehiyon sa bansa