TUGUEGARAO CITY- Palalakasin umano ng Bureau of Fire Protection Tuguegarao City ang “Oplan sagip pamayanan” ngayong taon.
Sinabi ni Fire Chief Inspector Aristotle Atal, fire marshall ng BFP Tuguegarao na ito ay dahil sa kawalan ng kooperasyon pa rin ng mga barangay tungkol sa mga hakbang para makaiwas sa sunog.
Dahil dito, sinabi niya na magsasagawa na sila ng house-to-house inspection upang matiyak na maayos ang electrical installation sa mga ito.
Sinabi niya na ang residential areas ang kanilang focus ngayon dahil na rin sa madalas na dito nagkakaroon ng mga sunog na ang kadalasan na dahilan ay ang electrical problem.