Sinibak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Norman Tansingco sa kanyang puwesto bilang hepe ng Bureau of Immigration.

Sinabi ni Press Secretary Cezar Chavez na ang dismissal ni Chavez ay bunsod ng pagtakas palabas ng bansa ni Alice Guo alyas Guo Hua Ping sa gitna ng mga alegasyon sa ugnayan nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos).

Si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang unang nagsiwalat na mayroon na silang kasunduan ni Marcos na palitan si Tansingco dahil sa pagtakas ni Guo, at iba pang issues.

Sinabi ni Remulla na hiniling niya kay Marcos na sibakin si Tansingco dahil marami umano silang naengkuwentro na problema sa opisyal.

Binaggit din ni Remulla ang issue sa paglalabas ng working visa na kuwestionable.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, sinabihan niya si Tansingco ukol dito subalit wala umano siyang ginawa para ito ay mitama.

Matatandaan na nagbabala si Marcos na maraming ulo ang gugulong at makakasuhan kaugnay sa pagtakas ni Guo.