Ipinadala na sa opisina ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kopya ng Bicameral Conference Committee Report kaugnay sa panukalang nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections.

Paglilinaw naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, ngayon pa lamang tatakbo ang 30-day period para awtomatikong maging batas ang panukala o ‘yung tinatawag na lapse into law kung uupuan lamang ng pangulo.

Ito ay kahit na noon pang nakaraang buwan niratipikahan sa Senado ang Bicam Report sa pagpapalawig ng termino ng mga BSKE officials.

Sa ilalim ng isinusulong ng panukala, gagawing apat na taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK mula sa tatlong taon.

Papayagan namang manungkulan hanggang tatlong termino ang mga barangay officials pero isang term lang sa SK sa parehong posisyon.

-- ADVERTISEMENT --