
Sasalubong sa mga motorista sa unang araw ng buwan ng Abril ang bigtime oil price hike, kung saan ito na ang ikalawang sunod na linggo na pagtaas sa presyo ng langis.
Batay sa international petroleum trading nitong nakalipas na apat na araw, ang tinatayang per-liter na oil price hike ay ang sumusunod:
Gasoline – P0.85 to P1.35
Diesel – P0.75 to P1.25
Kerosene – P0.95 to P1.10
Kaugnay nito, sinabi ni Department Energy of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang inaasahan na oil price hike ay bunsod ng mga kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, na nakakaapekto sa petroluem market.
Kinabibilangan ito ng sanctions ng United States sa Iran, na inaasahang makakabawas sa isang milyon na bariles bawat araw sa global supply, ang patuloy na pag-atake ng Russia at Ukraine sa energy installations, ang banta ng US sa taripa sa mga nasyon na bumibili ng crude oil mula sa Venezuela.
Iniaanunsiyo ng mga oil companies ang galaw ng presyo ng langis sa Lunes, at ipinapatupad sa araw ng Martes.