
Isang bihirang marine mammal ang natagpuang naistranded noong Enero 26, 2026 bandang alas-5:30 ng hapon sa baybayin ng Uyugan, Batanes.
Agad rumesponde ang DA-BFAR Region 2, katuwang ang Philippine Coast Guard at mga lokal na pamahalaan, ngunit pansamantalang ipinagpaliban ang operasyon dahil sa masamang kondisyon ng dagat na kung saan ay ipinagpatuloy kinabukasan.
Ayon sa ulat ng BFAR, sa isinagawang pagsusuri, napag-alamang ang hayop ay nasa advanced na estado ng pagkabulok.
Kinuha ang mga tissue sample para sa laboratory analysis at kumpirmasyon ng species.
Batay sa paunang pagkakakilanlan, ang naistrandang marine mammal ay isang Longman’s beaked whale, isa sa mga pinakabihirang uri ng cetacean sa mundo.
Hinikayat ng ahensya ang publiko na agad iulat ang mga insidente ng marine mammal stranding upang makatulong sa konserbasyon ng mga bihirang species sa dagat.










