TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa tatlo ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa probinsiya ng Cagayan matapos magpositibo sa kanyang swab test ang asawa ng unang covid-patient na mula sa bayan ng Alcala.
Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng Cagayan valley Medical Center (CVMC) alas singko ng hapon nitong Hunyo 11, 2020 ng ipagbigay alam ng DOH-region 2 na positibo sa virus ang 30-anyos.
Ang naturang pasyente ay umuwi sa probinsiya nitong hunyo 8 kasabay ng balik probinsiya ng pamahalaan .
Kaugnay nito , agad nakipag-ugnayan ang CVMC sa Local Government Unit (LGU)-Alcala para sa pagsundo sa pasyente at mabigyan ng serbisyong medikal.
Kapwa asymptomatic naman ang dalawang unang nagpositibo sa virus pero patuloy pa ring minomonitor ang kanilang kalagayan sa naturang pagamutan.
Nakatakda namang isasagawa ang kanilang pangalawang swab test sa araw ng Sabado.
Samantala, bagamat negatibo na sa virus ang isang suspected case na isang 65-anyos na babae, sinabi ni Baggao na kailangan pa ring imonitor ang kanyang kondisyon dahil sa iba nitong karamdaman tulad ng sakit sa puso at hypertension.