TUGUEGARAO CITY-Madami parin umano ang mga empleyado ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ang hindi ginagampanan ng mabuti ang sinumpaang tungkulin.

Pahayag ito ni Nerissa Canguilan, Regional Director ng CSC Region 2, kasabay ng kanilang isinagawang pagbisita sa mga ahensiya ng gobyerno nitong nakalipas na araw.

Ayon kay Canguilan, karamihan umano sa kanilang napansin ay iba ang ginagawa ng mga manggagawa tulad ng panonood, paglalaro ng mga video games at paggamit ng social media sa tuwing office hour lalo na umano ang mga nasa front line service.

Kaugnay nito, sinabi ni Canguilan na isinangguni na umano ng kanilang ahensiya ang kanilang mga nakitang paglabag sa mga ahensiya na pinagtatrabahuhan ng isang empleyado na nakitaan ng paglabag.

Aniya, ang kanilang pinagtatrabahuhang ahensiya na umano ang magbibigay ng parusa sa mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, hinimok ni Canguilan ang mga government employees na gampanan ng mabuti ang kanilang tungkulin at huwag ilaan ang oras sa mga bagay na hindi naman nakakatulong sakanilang trabaho.

Samantala, sinabi ni Canguilan na bagamat may mga empleyado na nakitaan ng hindi paglilingkod ng tama, may mga nakita rin umano ang kanilang tanggapan na mga empleyado na ginagawa ng tama ang kanilang mga tungkulin.