Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho nitong buwan ng Agosto, sa gitna ng pagbangon ng labor market sa nasabing panahon.

Ito ay batay sa resulta ng pinakahuling Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa press briefing kanina, iniulat ni chief and National Statistician Claire Dennis Mapa na ang walang trabaho, edad 15 pataas, ay bumaba sa 2.03 million mula sa 2.59 million noong August 2025.

Ito ay katumbas ng 52.13 million participants sa labor force na aktibong naghahanap ng kanilang mapapasukan sa nasabing panahon.

Ang bilang ng walang trabaho ay katumbas ng unemployment rate na 3.9 percent, mas mababa mula sa 5.3 percent month-on-month.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay nangangahulugan na 39 sa 1,000 individuals ang walang trabaho o pangkabuhayan sa nasabing panahon.