
Tumaas ang bilang ng walang trabaho nitong buwan ng Oktubre, kung saan 2.4 million ang unemployed, tumaas mula sa 1.36 million noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Ang pagtaas ng jobless rate ay 5 percent mula sa 3.8 percent noong Setytembre, halos maabot ang naitalang unemployment rate noong post-pandemic-era noong Hulyo na 5.3 percent o 2.59 million.
Ito ay bunsod ng pagbagsak ng labor force participation rate, na bumaba sa 63.8 percent mula sa 64.5 million percent noong Setyembre, na katumbas ng kabuuang labor force na 51.16 million Filipinos.
Ang services sector ang nakapagtala ng pinakamalaking bahagi ng total emloyment sa 60.6 percent, na sinundan ng agriculture na may 21.5 percent at industry na 17.9 percent.










