TUGUEGARAO CITY- Bumaba na umano ang bilang ng mga nabibiktima ng illegal recruitment sa Region 2.
Sinabi ni Romeo Jaramilla, coordinator nmg Philippine Overseas Employment Administration Region 2 na nabwasan na ang bilang mga napepekeng aplikante na nagnanais magtrabaho abroad.
Ayon sa kanya, ito ay dahil sa pinaigting na kampanya ng POEA laban sa illegal recruitment.
Samantala, sinabi ni Jaramilla na tumataas naman ang bilang ng mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa
Ito ay batay aniya sa kanilang government-to-government application scheme.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Jaramilla ang mga nagnanais na magtrabaho abroad na bisitahin lamang ang website upang matiyak na legitimate ang kanilang aaplayan na recruitment agency at hindi mapeke.