TUGUEGARAO CITY- Nabawasan umano ang bilang ng mga buwaya sa crocodile sanctuary sa San Mariano, Isabela dahil sa mga naranasang pagbaha nitong nakalipas na taon.
Sinabi ni Maritess Balbas ng nasabing foundation na sa kanilang minimum count noong buwan ng Setyembre ng 2020 ay 32 bna buwaya ang kanilang nabilang subalit nitong Disyembre ay 10 na lamang.
Gayonman, sinabi ni Balbas na posibleng ang iba sa mga ito ay naanod o lumipat ng ibang lugar dahil ang mga nasabing buwaya ay territorial.
Kaugnay nito, nanawagan si Balbas sa publiko na kung may makitang mga buwaya ay huwag itong patayin o guluhin.
Ayon sa kanya, ipagbigay alam lamang sa kanilang tanggapan kung may makita na mga buwaya.
Sinabi niya na hindi naman nangangain ng tao ang nasabing uri ng buwaya dahil hindi ito kasama sa kanilang diet.
Ang buwaya sa sanctuary sa San Mariano ay tinawag na Philippine freshwater crocodile.
Sila ay maliliit na uri ng buwaya na ang kanilang maximum size ay 3 meters kung ikukumpara sa ibang uri ng buwaya.