Apektado ng nararanasang pag-ulan dulot ng amihan ang bilang ng mga dumalaw sa sementeryo sa unang araw ng Undas sa lalawigan ng Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PCAPT Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na hindi pa nakakalahati ang mga dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Gayonman, ngayong araw ng kaluluwa inaasahaan ang pagdagsa ng publiko sa mga sementeryo.

Sinabi ni Mallillin na sa kasalukuyan ay naging payapa ang sitwasyon at wala ding natanggap na report hinggil sa anumang untoward incidents sa paggunita ng Undas.

Paalala naman ni Mallillin sa mga magtutungo pa sa sementeryo ngayong araw na iwasan na ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay upang hindi na magdulot pa ng abala.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa mga nakumpiska ng PNP sa unang araw ng Undas ay mga panlinis sa puntod na mahigpit na ipinagbabawal.