Nadagdagan pa ang bilang ng mga evacuees sa lalawigan ng Cagayan bunsod ng pananalasa ng bagyong ‘Egay’.
Sinabi ni Rueli Rapsing, head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na umakyat na sa mahigit 5, 300 families na binubuo ng 17, 400 individuals ang inilikas sa mga evacuation centers at nakituloy sa kanilang mga kaanak.
Ang mga evacuees ay mula sa 235 barangays.
Nasira naman ang municipal hall ng Sanches Mira matapos na lumipad ang bubong nito at nabasag ang mga bintana ng kanilang evacuation center kaya inilipat ang mga evacuees sa multi purpose hall.
Nagsasagawa na rin ng simulataneous restoration activities ang NGCP at CAGELCO sa mga lugar na maaari nang pasukin ng mga line crews para sa mga hindi pa naibabalik ang supply ng kuryente.
30 bangkang pangisda naman ang nasira sa bayan ng Santa Ana, Cagayan.
Sinabi ni Amorada Corpuz na isa ang totally damaged habang pito ang partially damaged sa kanyang mga bangka.
Ayon sa kanya, sinabi sa kanila ng isang kagawad na 30 ang nasirang bangka bukod pa sa tatlong nawawala na posibleng tinangay ng alon.
Samantala, tatlong national road at isang provincial road ang impassable ngayon sa lalawigan ng Kalinga bunsod ng rockfall at landslides.
Sinabi ni PCAPT Ruff Manganip, hindi madaanan ang national road mula Tinglayan papuntang Mt. Province, ang pambansang lansangan sa Batongbuhay at Kalinga-Abra road at provincial road sa Junction Pinukpuk papuntang Taga.
National..CYBERCRIME
Pinag-iingat ng Philippine National Police -Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko kaugnay ng pagtaas ng ‘hacking incidents’ sa social media.
Ayon sa PNP-ACG, nakaaalarma ang paglobo ng mga kaso ng Facebook hacking incidents na umabot na sa 743 sa unang anim na buwan pa lang ng 2023.
Mula sa 503 kasong iniulat noong 2021, pumalo ito sa 1,402 noong 2022.
Sinabi ng ACG na ang pangunahing motibo ng mga hacker ay manipulahin ang pagkakakilanlan ng account user upang makapanloko o makapang-scam sa mga contact ng mga biktima.
Payo ng ACG sa lahat ng FB account users magkaroon ng Two-Factor Authentication na makikita sa setting ng FB account, iwasan ang pagkonekta sa mga pampublikong wifi, at i-log-out ang kanilang mga Facebook account sa mga device o gadget kung hindi ginagamit.
Kasabay nito, panawagan ng PNP-ACG sa mga mabibiktima ng FB account hacking na agad itong i-ulat sa FB support team o kaya’y isumbong sa lokal na pulisya o otoridad sa kani-kanilang lugar.