Umabot na sa 147 families o 482 individuals ang inilikas dahil sa pananalasa ng bagyong Nika sa Nueva Vizcaya.
Ayon kay Mary Christine Olog, Operations Coordinator ng PDRRMO Nueva Vizcaya, dahil sa patuloy na pag ulan na dala ng nasabing bagyo ay nagkaroon na ng pagbaha partikular sa Decabacan, Balete, Duruoarog, Bugnay, Poblacion at Namamparan sa Nueva Vizcaya.
Aniya, sa ngayon ay mayroon ng nakadeploy na mga BFP personnel sa mga nabanggit na lugar habang standby rin ang red cross at iba pang ahensya ng pamahalaan sakaling kailanganin pa ng karagdaragang tulong.
Samantala, passable rin ang mga national roads sa nasabing lugar ngunit may ibang parte din nito ang one lane passable dahil sa road constructions.
Sa ngayon ay wala namang naitalang casualties sa nasabing lugar dahil kay Bagyong Nika.