Aabot na sa 3,471 individuals ang inilakas sa bahagi ng Isabela dahil parin sa pananalasa ng Bagyong Ofel.

Ayon kay Ensyn Ryan Joe Arellano, assitant PIO ng Coast Guard District North Eastern Luzon, ang mga ito ay mga dating inilakas na noong nakaraang bagyo habang may mga bago ring inilikas dahil sa lakas ng hangin at ulan na dala ng nasabing bagyo.

Aniya, sa ngayon ay patuloy parin ang ginagawang evacuations at monitoring ng nasabing ahensya sa mga nasasakupan partikular na sa mga low lying areas.

Dagdag pa ni Arellano na ang mga coastguard stations Cagayan sa Aparri at substations gaya ng Claveria, Aparri West, Buguey at Sta.Ana ay patuloy parin ang ginagawang rescue operations kung saan nag request na rin ng mga augmented teams sa bahagi ng La Union at Ilocos na maidedeploy sa mga nabanggit na sub stations.

Ito ay upang magbigay ng karagdagang tulong sa mga kababayan na naapektuhan dahil parin sa pananalasa ng bagyong Ofel.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito ay mayroon ring paparating na iba pang kagamitan na pangrescue mula sa national headquarters na ibibigay sa mga stations partikular sa Aparri at Calayan upang dagdag tulong na pang rescue sa mga kababayan.

Samantala, wala namang naitalang stranded sa mga pantalan sa kabila ng nararanasang sama ng panahon.