Nagtamo ng malaking pinsala ang dalawang magkatabing pampublikong paaralan sa Calayan, Cagayan matapos ang tumamang magnitude 6.3 magnitude na lindol sa isla nitong Martes ng gabi.
Ayon kay Charles Castillejos, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na sa isinagawang rapid assesment sa mga gusali ng ibat-ibang paaralan ay nasa limang clasrooms sa Calayan West Central School at siyam na clasrooms sa Calayan National High School main ang nagkaroon ng severe damaged.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa Department of Education at sa mga building officials para masigurong ligtas gamitin ang dalawang nabanggit na paaralan.
Nakitaan naman ang iba pang mga paaralan ng maliliit na bitak sa pader na ligtas namang gamitin ng mga mag-aaral, maging ang seaport at infirmary sa isla.
Ayon kay Castillejos, nasa isla na ngayon ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development para sa pamamagagi ng cash assistance sa mga apektadong pamilya.
Inihayag naman ni Rueli Rapsing, Head ng Provincial Disaster Risk Reduction Managament Office ng Cagayan na sa kanilang natanggap na datos ay mau isang private building, dorm at chapel din ang napinsala dahil sa pagyanig.
Batay aniya sa kanilang pinakahuling datos ay may tatlong kabahayan din ang naiulat na partially damaged sa isla habang may mga bahay din ang bumigay at nasira.
Sa ngayon ay inaalam pa aniya ang kabuuang halaga ng iniwang pinsala ng lindol.
Bukod sa lindol ay nagtala rin nagkaroon din ng pagguho ng lupa sa Brgy. Dadao at kabilang sa mga apektado ay ang pitong pamilya na kinabibilangan ng 26 na katao, isang pamilya na may limang indibidwal din ang naapektohan ng lindol sa Brgy. Centro 2 at sa Brgy. Cabudadan naman ay umabot sa 16 na pamilya na kinabibilangan ng 54 na katao ang inilikas bukod pa sa dalawang pamilyang kinabibilangan ng walong katao na naapektohan ang kanilang bahay.
Nabatid na iniluwas na rin sa pagamutan sa Tuguegarao City ang isa sa dalawang menor de edad na magkapatid na nasugatan matapos madaganan ng bumagsak nilang kongkretong dingding habang walang naman umanong reported damages sa Dalupiri island na siyang sentro ng pagyanig dahil ang mga bahay sa naturang isla ay mabababa.
Bukod dito, inihayag ni Rapsing na nakitaan din ng mga hair line cracks ang ilang mga government building at iba pang istraktura sa bayan ng Lal-lo gayonman ay ligtas pa rin naman aniyang gamitin ang mga naturang gusali.