Aabot sa 155,000 ang naitalang bilang ng mga mahihirap sa sa buong rehiyon dos.
Ito ay katumbas ng 29% sa kabuuang mahigit 3 million assessed households sa buong bansa base sa lumabas sa isinagawang listahanan phase 3 mula 2019-2021 na na-update hanggang Marso ng taong kasalukuyan.
Ayon kay listahanan 3 Focal Person Christopher Soriano ng DSWD-RO2, ang listahanan ay isang paraan upang makilala kung sino at nasaan ang mga mahihirap sa bansa.
Base sa datos, pinakamaraming bilang ng mga mahihirap ang lalawigan ng Isabela na may 78,851 kung saan may pinakamataas na bilang ang Ilagan, San Mariano at Tumauini.
Sumunod ang lalawigan ng Cagayan na may 49,895 kung saan pinakamataas na bilang ay mula sa Baggao, Aparri at Solana habang pangatlo naman ang Nueva Vizcaya na may 18,836 na kinabibilangan ng mataas na bilang mula sa Kasibu, Cayapa at Bayombong.
Samantala, mayroon namang naitalang 6,835 na bilang ng mahihirap sa Quirino kung saan may mataas na bilang mula sa Diffun, Nagtipunan, at Maddela at 564 naman mula sa lalawigan ng Batanes.
Kaugnay nito nanawagan ang ahensya sa mga LGUs at iba pang mga stakeholders na gamitin ang naturang resulta sa pagtukoy ng mga benepisyaryo at paglinang ng mga programa sa kanilang nasasakupan.