Umabot na sa 29 miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang naaresto at nasampahan ng kaso, kasabay ng nagpapatuloy na standoff sa pagitan ng mga suporter ng naturang sekta at mga miyembro ng Philippine National Police(PNP).

Ayon kay Davao Police Regional Office Spokesperson Maj. Catherine Dela Rey, ang ilan sa mga miyembro ay nasa Davao City Police custodial facility kung saan marami sa kanila ang agad naghain ng bail.

Magkakaiba aniya ang kasong inihain sa kanila tulad ng direct assault at obstruction of justice.

Ayon kay Maj. Dela Rey, umabot na rin sa 60 PNP members ang nakumpirmang nasugatan mula nang sinimulan ng PNP na isilbi ang warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy at sa kanyang mga kapwa pugante.

Ang mga ito aniya ay nagtamo ng sugat at galos dahil sa pambabato na ginawa ng mga suporter ng naturang sekta kung saan ilan sa mga bagay na ginamit ng mga ito ay mga upuan, malalaking bato, at maging ang kanilang ihi.

-- ADVERTISEMENT --

Unang isinilbi ng PNP ang warrant laban kay Quiboloy at mga kapwa akusado noong nakaraang Sabado, August 24, 2024