Nasa 44 na mga indibidwal ang naghain ng kanilang kandidatura sa tanggapan ng Provincial COMELEC na nais tumakbo para sa 2022 elections sa lalawigan ng Cagayan.
Sa day 1 hanggang sa pagtatapos ng filing ng COC ay mayroong 2 ang nagfile para sa pagka-gubernador; 4 sa bise-gubernador; tig-tatlo para sa pagka-kongresista sa 1st, 2nd at 3rd district.
11 naman ang naghain ng COC para sa posisyon ng Sangguniang Panlalawigan sa 1st district; sampu sa 2nd district at walo sa 3rd district.
Maglalaban para sa pagka-gobernador sa Cagayan sina incumbent Governor Manuel Mamba ng Nacionalista Party at Dr. Zarah Lara, asawa ni incumbent 3rd district Congresman Joseph Lara na muli ring tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban para sa eleksyon 2022.
Sa pagkabise-gubernador ay muling tatakbo si incumbent Vice Governor Melvin Vargas, Jr ng PDP-Laban , dalawang incumbent Board member na sina AJ Ponce ng NPC at Perla Tumaliuan ng PFP at si Ginoong Francisco “Franco”Mamba III,pamangkin ni Gov.Manuel Mamba.
Muli ring tatakbo sa pagka-kongresista si incumbent 1st district Congresman Ramon Nolasco Jr kung saan makakalaban niya sina Roberto Damian ng Nationalista Party at Katrina Ponce Enrile ng Lakas-CMD.
Maglalaban naman para sa 2nd district congressman sina Baby Aline Vargas Alfonso ng Lakas CMD; James Bryan Sacramed ng NP at Melvin Capili ng PFP.
Makakatunggali naman ni 3rd district Congressman Joseph Lara sina Rodolfo Alvarado ng NP at independent candidate na si Gonzalo Jugarap.
Narito ang listahan ng mga naghain ng COC para sa Sangguniang Panlalawigan
1st District:
- Mario Vidal”Bong” Padilla- NP
- Flordeluna Carabbcan-NP
- Kamille Perez- NPC
- Manuel Rosete- Independent
- Alexander Pagulayan- NPC
- Romeo Garcia- NP
- Florence Oliver Pascual- PDP-Laban
- Criselda Antonio- UNA
- Reymar Desiderio- PFP
- Maria Dodia- PDP- Laban
- Narciso Pascual- Independent
2nd District:
- Alfonso Llopis- NP
- Carmelo Villacete- NP
- Fernando Esperela- Independent
- Floricadel Trilles- NP
- Edwin Guillermo- Independent
- Randy Ursulum- Lakas CMD
- Kevin Timbas- Lakas CMD
- Arnold Layus- Lakas CMD
- Manolito Leonador- Independent
- Roger Paz, Jr- PFP
3rd District:
- Rosauro Resuello- Independent
- Clarita Lunas- NP
- Rodrigo De Asis- NP
- Leonard Beltran- NP
- Leonides Fausto- NP
- Frances Anthony “Kiko” Kanapi- NP
- Mila Lauigan- NPC
- Mariel Calimag- LP
Samantala, sisimulan na sa araw ng Lunes, October 11 ang extension ng voters registration hanggang October 30, 2021.
Kaugnay nito ay hinikayat ng COMELEC ang mga kwalipikadong botante na hindi pa nakapagparehistro na magparehistro na at isaayos ang kanilang pagkakatala sa COMELEC upang makaboto sa susunod na halalan.