Umakyat na sa 43 ang bilang ng mga nasawi sa buong bansa dahil sa sakit na leptospirosis, batay sa datos mula AUgust 8 hanggang 13.
Sinabi ni Health Asec. Albert Domingo, sa 43 na namatay, 41 ang matatanda at dalawa naman ang mga bata.
Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Metro Manila.
Ayon pa kay Domingo, merong 523 na nadagdag na bagong kaso ng leptospirosis sa nasabing petsa.
Sa bilang na ito, 423 ang mga matatanda, 100 ang mga bata, habang merong walo na naka mechanical ventilator, at 243 naman ang recommended for dialysis o kasalukuyan nang nag da-dialysis.
Tiniyak naman ni Domingo na sapat ang mga kama sa hospital, kasunod ng activation ng surge capacity plan.
Muli ring paalala ni Asec. Domingo sa publiko na hindi lang sa NKTI pwedeng magpa-admit ang mga tinamaan ng leptospirosis.
Samantala, sinabi rin ng San Lazaro Hospital na merong walong leptospirosis patient na namatay sa kanilang hospital.