Umakyat na sa 145 ang mga naiulat na nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyong Kristine at Leon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 14 sa nasabing bilang ang validated na, at 115 ang nasugatan at 37 ang nawawala.

Idinagdag pa ng NDRRMC na umaabot na sa 7,033,922 na indibidual ang apektado ng dalawang sama ng panahon.

Mahigit 761,000 sa mga ito ay lumikas, kung saan mahigit 333,000 ang nasa evacuation centers, habang mahigit 427,000 ang nasa ibang shelters.

Ang mga lugar na ito ay sa Region 1 (Ilocos), Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon), Region 4-A (Calabarzon), Region 4-B (Mimaropa), Region 5 (Bicol), Region 6 (Western Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 12 (Soccsksargen), Caraga, Barmm, and the National Capital Region.

-- ADVERTISEMENT --

Iniulat pa ng NDRRMC na mahigit 111,000 na kabahayan sa buong bansa ang nagtamo ng pinsala na nagkakahalaga ng mahigit P40,000,000.

Mahigit 104,000 ang partially damaged, habang 6,437 ang totally damaged.