
Umakyat na sa 25 katao ang nailat na namatay dahil sa bagyong Crising, Dante, Emong at Habagat.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), siyam sa mga namatay ay mula sa Metro Manila.
Tig-tatlo naman sa Calabarzon, Western Visayas, Negros Island Region, at Northern Mindanao, habang tig-isa naman sa Central Luzon, Mimaropa, Davao Region, at Caraga.
Ayon sa NDRRMC, tatlo sa mga naiulat na namatay ang kumpirmado.
Samantala, kabuuang 3,849,624 katao o 1,065,779 pamilya ang apektado ng masamang panahon sa lahat ng rehion maliban sa Eastern Visayas.
Maraming ulat ng pagbaha, landslides, bumagsak na mga istraktura, at buhawi sa ilang apektadong mga lugar.
Ang Central Luzon ang nakapagtala ng pinakamaraming apektadong indibidual, na sinundan ng Bicol Region at Calabarzon.
Umaabot naman sa P3,987,521,473 sa imprastraktura, P366,905,285 sa agrikultura, at P281,660,000 sa irrigation systems ang iniwang pinsala ng mga nasabing bagyo at Habagat.
Naitala din ang 2,909 na mga bahay ang totally damaged, habang 2,423 ang partially damaged.