Umakyat na sa anim ang namatay sa US service members sa patuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan, ayon sa US Central Command.

Ang mga ito ay napatay sa pamamagitan ng direktang strike ng Iran sa makeshift operations center sa civilian port sa Kuwait noong Linggo.

Ayon sa report, tinamaan ang isang gusali kung saan naroon ang mga nasabing sundalo.

Mabilis umano ang pag-atake at walang anomang babala o pagtunog ng sirena para alertohin ang mga tropa para lumikas o pumunta sa bunker.

Unang iniulat ng US Central Command na tatlong sundalo ang namatay subalit hindi tinukoy kung saan nangyari ang ang strike.

-- ADVERTISEMENT --

Ang anim na casualties ang mga unang napatay sa military operation laban sa Iran na nagsimula noong araw ng Sabado, na tinawag na Operation Epic Fury.

Sinabi ni US President Donald Trump na asahan na madagdagan pa ang bilang ng mga mamamatay sa nasabing bakbakan sa Iran.

Ayon pa sa US Central Command, umaabot sa 18 sundalo ang nasugatan sa US military operation.