Nanawagan ang aid groups ng tulong para sa mga apektado ng 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar na kumitil sa buhay ng mahigit 2,700 na katao, at iginigiit ang higit na pangangailangan sa mga pagkain, tubig at masisilungan at umaasa na may mahahanap na survivors.

Sinabi ng military ruler ng Myanmar na si Min Aung Hlaing, inaasahan nila na aabot sa mahigit 3,000 ang mga namatay sa nasabing malakas na lindol, kung saan umabot na sa 2,719 ang naitalang namatay kahapon, 4, 521 ang nasugatan, at 441 ang missing.

Ayon kay Hlaing, pinapapalagay nila na patay na ang mga missing, dahil sa may maliit na tsansa na buhay pa ang mga ito.

Ito ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Myanmar matapos ang mahigit isang siglo.

Samantala, umakyat naman sa 21 ang namatay sa kalapit na bansa na Thailand, kung saan daang-daang gusali ang nasira dahil din sa naranasang malakas na lindol.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang paghahanap ng mga rescuers ng mga survivors sa guho mula sa bumagsak na skycraper.
.