Umaabot na sa 204 ang naitalang namatay, 109 ang nawawala at 156 ang nasugatan sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao sa pananalasa ng bagyong Tino, ayon sa Office of the Civil Defense.

Base sa datos na ibinahagi ni OCD deputy spokesperson Diego Mariano, ang Cebu ang pimakamatinding tinamaan ng bagyo, na may 141 na namatay, 57 missing, at 123 ang nasugatan.

Nakapatala ang Negros Occidental ng 27 na namatay, 42 missing, at 28 ang nasugatan, habang ang Negros Oriental ay mat 20 na namatay at 10 ang nawawala.

May naitala ding casualties sa ibang probinsiya, tulad ng Antique , Capiz, Iloilo, Guimaras (1 Bohol, Leyte, Southern Leyte, Surigao del Norte at Surigao del Sur.

Ayon sa OCD, patuloy ang rescue at relief operations sa mga apektadong mga lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Tino noong Huwebes, walong beses itong nag-landfall at nag-iwan ng malaking pinsala sa maraming bahagi ng Visayas at Mindanao.