
Pumalo na sa 78 ang mga indibidwal na napaulat na nasawi dulot ng 7.8-magnitude na lindol na tumama sa Mindanao.
Ayon sa Situational Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 21 ang naitala mula sa Region 11 at 57 naman mula sa Region 12.
Nasa 30 indibidwal naman ang napaulat na nawawala, habang 1,338 ang sugatan.
Nananatili namang nasa mahigit 346,000 pamilya, o katumbas ng mahigit 1.4 million indibidwal, ang naapektuhan ng nasabing lindol.
Nasa mahigit 4,000 pamilya, o mahigit 18,000 indibidwal, ang nananatili sa 45 evacuation centers.
Samantala, mahigit 16,000 pamilya, o katumbas ng mahigit 63,000 indibidwal, ang nakalabas na sa mga evacuation center.
Nasa mahigit 74,000 naman ang naitalang nasirang mga kabahayan, habang 774 na imprastraktura ang napinsala, na tinatayang aabot sa mahigit 148 million pesos.
Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga apektadong lugar.









