Tuguegarao City- Patuloy pa rin ang pag-papauwi ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa mga Locally stranded individuals mula Metro Manila at sa ibang karatig lalawigan.

Sa panayam kay Michael Pinto, Head ng Technical Working Group ng Balik Probinsiya Program, mula sa kabuuang 1, 426 na nag-apply nasa 628 na mga LSIs na ang dumating sa Cagayan mula ng ikasa ang programa.

Mayroon pa aniya silang naitalang 233 individuals na umuwi ng lalawigan gamit ang kanilang mga private vehicles at nasa 92 naman ang nagkansela ng application dahil sa tinawag na ng kanilang mga empleyado.

Sinabi pa niya na kahapon July 1 ay 68 mula sa nasabing bilang ng ika-10 batch ay nakarating na sa probinsya at sinundo ng mga LGUs.

Gayonpaman ay tiniyak ni Pinto ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health standards upang matiyak na ligtas ang mga ito sa virus na dulot ng COVID-19.

-- ADVERTISEMENT --