Patuloy na nadaragdagan ang datos ng Department of Health (DOH) ng bilang ng mga nasasangkot sa firecracker-related injuries.
Batay sa ulat ng DOH nitong Miyerkules, Disyembre 25, 2024, pumalo na sa 43 ang mga nasugutan dahil umano sa mga ipinagbabawal na paputok ilang araw bago ang Salubong 2025.
Inihayag din ng ahensya na mula sa kabuuang bilang ng mga naputukan, karamihan sa mga ito ay nasa edad 19 taong gulang pababa.
Tinatayang 39 naman sa kanila ay lalaki at apat ang babae.
Giit ng DOH pawang mga Boga, 5-Star at Piccolo raw ang pangunahing mga paputok ang dahilan ng fireworks related injuries.
Bunsod nito muling hinimok ng ahensya ang publiko na gumamit na lamang daw ng ligtas na mga paingay para sa darating na Bagong Taon.
Gayundin ang pagbabantay daw sa mga bata upang maiwasang gumamit ng paputok.