Tumaas pa ang bilang ng mga naputukan sa Cagayan Valley, tatlong araw pagkatapos ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa huling tala ng Department of Health (DOH) Region II, umabot na sa 55 katao ang nasugatan dahil sa paputok simula pa noong December 21, 2019 hanggang Jan 3, 2020.
Mas mataas ito ng 24 na kaso kumpara sa bilang ng nasugatan noong 2018 sa kaparehong period.
Sa naturang bilang, 35.64% nito ay mga kalalakihan na nasa edad 4 hanggang 81 taong gulang.
Naitala ang may pinakamataas na insidente sa lalawigan ng Cagayan na may 16 kaso, tig sampu sa Tuguegarao City at Santiago City, walo sa Isabela, at tig-apat sa Cauayan City at Nueva Vizcaya, dalawa sa Quirino at isa sa Ilagan City.
Habang nananatiling zero firecracker related injuries sa lalawigan ng Batanes.
Karamihan sa nasugatan ay dahil paggamit ng luces, boga at fountain.