Tulad ng inaasahan, lalo pang lumubo ang bilang ng nmga nasugatan dahil sa paputok sa bisperas ng pagsalubong at pagdiriwang ng bagong taon.
Ayon sa datos ng Department of health o doh region 2, nadagdagan pa ng dalawampu ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok sa mismong bisperas ng selebrasyon ng pagsalubong ng 2024 at ang mga biktima ng paputok ay edad pito hanggang animnaput walong taong gulang kung saan 92 percent sa mga biktima ay kalalakihan.
Dahil dito, pumalo na sa tatlumput walo ang kabuang bilang ng mga nagtamo ng sugat dahil sa paputok kung saan ang isa sa mga ito ay na-admit sa pagamutan.
Dagdag pa ng ahensya, 22 o 58 percent sa mga insidente ng fireworks-related injuries ay nangyari sa bahay habang ang iba ay sa kalsada kung saan 89 percent ang active users na karamihan ay dulot ng paggamit ng kwitis
Iniulat pa ng doh na isa ang nagtamo ng blast o burn injury na kailangan na isailalim sa amputation habang anim o 16 percent ang tinamaan ng paputok sa mata at 22 o 58 percent ang nagtamo ng blast o burn injury.
Nabatid na mas mataas ito ng dalawang kaso kumpara sa mga natanggap ng report nitong nakalipas na taon.
Muling nagpaalala ang doh na ireport o magpakonsulta sa pinakamalapit na pagamutan kahit na maliit na galos lang na dulot ng paputok para mabigyan ng gamot kontra tetano.
Babala ng mga doktor na maaaring ikamatay ng isang pasyente ang tetano kung hindi maagapan.