Mas marami ang bilang ng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) kung ikukumpara sa mga sundalo sa lalawigan ng Isabela.
Pahayag ito ni Brig. General Lawrence Mina, commanding officer ng 502nd Infantry Brigade, Philippine Army na batay ito mataas na bilang ng mga nagbabalik-loob sa pamahalaan na miyembro ng NPA.
Gayonman, sinabi ni Mina na hindi naman naging dehado ang mga sundalo sapagkat dumaan sa pagsasanay ang lahat ng miyembro ng 95th IB at 85th IB na nakabase sa lalawigan.
Ibinida rin ni Mina ang pagbaba ng mga ilegal na gawain ng makakaliwang grupo dahil sa patuloy na nakatutok na military operations at community supports program.
Umaasa si Mina na madadagdagan pa ang bilang ng mga susukong NPA members at supporters sa mga susunod na araw dahil sa mahirap nilang sitwasyon.