Umaabot na sa 158 na reklamo ang inihain ngayong panahon ng pangangampanya laban sa election candidates dahil sa vote buying, vote selling at pang-aabuso sa pondo at assets ng gobyerno.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang mga nasabing reklamo ay inihain sa Committee on Kontra Bigay sa Commission on Elections.

Matatandaan na noong January 28, naglabas ang Comelec ng resolusyon para sa mas mahigpit na mekanismo para labanan ang vote buying, vote selling at ang pag-abuso sa resources ng pamahalaan.

Dahil dito, muling pinaalala DILG Assistant Secretary for Local Government Jesi Howard Lanete sa mga kandidato na sumunod sa mga Comelec provision laban sa mga nasabing paglabag.

Kasabay nito, sinabi ni Lanete na 16 araw na lamang ay halalan na, at umaasa sila na magiging ligtas, payapa, at matagumpay ang eleksyon.

-- ADVERTISEMENT --