Tumaas ang unemployment rate sa bansa noong buwan ng Abril sa 4 percent bunsod ng mas maraming walang trabaho sa agricultural sector na apektado ng El NIño.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ay katumbas ng 2.04 million na mga PIlipino na walang trabaho.
Batay sa preliminary results ng Labor Force Survey ng ahensiya noong buwan ng Abril, ang unemployment rate sa nasabing buwan ang pinakamataas sa loob ng tatlong buwan.
Sinabi ng PSA na tumaas din ang underemployment rate sa 14.6 percent sa nasabi ring buwan mula sa 11 percent noong buwan ng Marso.
Ito ay katumbas ng 7.04 million na naghahanap ng karagdagang trabaho o mas mahabang oras ng pagtatrabaho.
Ito rin ang pinakamataas na underemployment buhat noong July 2023 na naitala ang 15.9 percent.