TUGUEGARAO CITY-Patuloy ang pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ng tigdas sa Region 2 .

Sinabi ni Lexter Guzman ng Department of Health Region 2 na umaabot na sa 407 ang measles cases sa rehion mula Enero hanggang ngayong April kumpara sa 22 cases noong 2018.

Ayon sa kanya, may tatlo na ring namatay dahil sa nasabing sakit.

Ayon sa kanya, pinakamataas sa isabela na may 190 ,Cagayan na 111, Nueva Vizcaya na72 at 34 naman sa Quirino.

Habang ang Batanes ang nag-iisang probinsiya sa buong bansa na wala pang naitatalang kaso ng tigdas.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Guzman na halos matatapos na sila sa outbreak response immunization program.

Umaasa siya na hindi na madagdagan ang kaso ng tigdas sa rehion sa susunod na mga araw o mga linggo.