TUGEUGARAO CITY-Unti-unti na umanong napa-flatten ang covid 19 curve sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na naging epicentro ng infection sa rehiyon dos nitong nakalipas na buwan.

Ito ang inihayag ni Gov. Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya sa isinagawang pagpupulong ng Provincial COVID-19 Task Force kasunod ng pagbaba ng kaso ng mga naitatalang positibo sa virus.

Tumataas din umano ang bilang ng mga gumagaling o nakarekober sa naturang probinsiya.

Gayonpaman, sinabi ni Gov. Padilla na hindi dapat magpakampante ang mga mamamayan sa halip ay panatilihin ang pagsunod sa mga minimum health protocols para hindi mahawaan ng virus.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH)Region 2, hanggang nitong October 4, 2020, nakapagtala ang probinsiya ng Nueva vVizcaya ng 570 na total confirmed case kung saan 467 ang nakarekober, 86 ang aktibong kaso at 17 ang bilang ng mga nasawi.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, inihayag ng pamunuan ng Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) sa bayan ng Bayombong na ang 17 na nasawi na may kaugnayan sa covid ay dahil din sa komplikasyon.

Matatandaan na nagsagawa ng mass swabbing ang DOH matapos na maitala ang local transmission sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya. with reports from Bombo Marvin Cangcang