Umakyat na sa 47 na mga indibidwal ang napaulat na nasawi kaugnay ng 7.8 magnitude ng lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao.

Kung saan ayon sa NDRRMC, sa bilang na ito 12 ang mula sa Region 11 at 35 ang mula sa Region 12.

Nasa 31 indibidwal naman ang napaulat na nawawala at nasa 687 na indibidwal naman ang napaulat na nasugatan dahil sa nasabing lindol.

Samantala, nasa higit 75,000 naman na pamilya o katumbas ng higit 346,000 na indibidwal ang naitalang naapektuhan ng lindol mula sa 291 na barangay sa Region 9, 11, 12 at BARMM.

Kung saan nasa higit 3 libong pamilya o higit 16 na libong indibidwal ang nananatili sa itinalagang 32 na mga evacuation centers .

-- ADVERTISEMENT --

Habang nasa higit 7 libo namang mga pamilya o katumbas ng higit 29 libong indibidwal ang nananatiling nasa labas ng evacuations.

Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan para tumugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente sa mga nasabing lugar.