
Umakyat na sa 36 ang kumpirmadong nasawi mula sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado.
Ayon sa PCG, dalawang labi ang narekober dakong 1:42 ng hapon mula sa Baluk-Baluk Island at Mataja Island habang nagpapatuloy ang search and rescue operations. Isa pang labi ang narekober dakong alas-2 ng hapon.
Ibabyahe naman patungong Zamboanga City ang mga labi para sa tamang disposisyon.
Matatandaang lumubog ang RoRo vessel noong Enero 26 sa karagatang malapit sa Basilan. Nananatili sa 316 ang bilang ng mga nakaligtas mula sa insidente, ayon pa sa PCG.










