Tumaas sa pitong katao ang naitalang death toll sa pagkalunod sa isang linggong paggunita ng Semana Santa sa probinsiya ng Cagayan.
Ayon kay Police Captain Sharon Malillin, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office, mas mataas umano ang naitalang bilang ng mga nasawi sa pagkalunod kung ikukumpara sa dalawa nitong 2018.
Aniya, bagamat pinaigting ng kanilang hanay ang pagbabantay sa mga pook pasyalan sa probinsiya ay marami pa rin umanong matitigas ang ulo kung saan karamihan sa mga nalunod ay nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.
Samantala, bumaba naman ang naitalang vehicular accident sa lalawigan nitong Semana Santa na nakapagtala ng tatlo kumpara sa lima noong 2018.
Sa kabila nito, sinabi ni Mallillin na naging mapayapa ang pangkalahatang paggunita sa Semana Santa 2019.