TUGUEGARAO CITY- Nasa 80 na lang umano ang bilang ng New People’s Army na umiikot dito sa Cagayan.

Sinabi ni Lt.Col.Jesus Pagala, commanding officer ng 17th Infantry Battalion na bumababa ang bilang ng NPA sa lalawigan dahil sa pagsuko ng ilang miembro ng rebeldeng grupo.

Gayonman, sinabi ni Pagala na hindi pa rin sila nagpapakampante sa pagbabatay sa seguridad sa lalawigan dahil sa nananatiling banta ng pag-atake ng NPA.

Sinabi ni Pagala na patuloy ang kanilang monitoring sa galaw ng NPA kabilang na ang ginagawa umano nilang recruitment sa mga paaralan at sa katutubo.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Pagala